Tuko: Gamot sa AIDS at Ibang Sakit?

Binalaan ng mga awtoridad ang publiko sa iligal na pangangalakal ng tuko (gecko in English) sa Pilipinas, kung saan malaking halaga daw ng pera ang pagkakakitaan.

 

Ayon kay Atty. Sixto Comia, hepe ng Environment and Wildlife Protection Investigation Division sa NBI, maaaring hoax lang ito ng mga crime syndicate. Inihalintulad ito ni Comia sa modus operandi ng Budol-Budol Gang. “Yung subject nila bibili ‘yan ng maraming tuko sa buyer. Kapag ibebenta na ng subject ang tuko sa buyer, wala na ‘yung buyer. Parang ‘Budol-Budol,’” wika ni Comia. Itago natin sa pangalang “Rudy” ang isang collector ng tuko na nagtitinda ng tuko sa halagang Php300.

“Maraming gusto mag-alaga niyan dahil kapag napalaki nila, maraming presyo na,” paliwanag ni Rudy.

 

May mga ulat na ang mga tuko na tumitimbang sa 400 gramo ay naibebenta hanggang Php500 milyon. Subalit, ayon sa imbestigasyon ng NBI, ang mga tuko sa Pilipinas ay tumitimbang hanggang 100 gramo lamang.

 

Hindi rin maaari na ang isang tuko ay magkahalaga ng milyong-milyong piso, ulat ng NBI.

 

Sinumang mahuli na nangongolekta ng mga tuko ay puwedeng sampahan ng kaso laban sa Republic Act 9147 o mas kilala sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

 

Isyu sa Kalusugan

Usap-usapan ang di-umano’y gamot sa enzymes na galing sa apdo ng tuko, na siyang nagpadami sa iligal na pangangalakal nito.

Pinabulaanan mismo ng DOH ang haka-hakang gamot daw sa AIDS ang tuko.

Binalaan ni Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH, ang madla sa pagkain ng tuko na maaaring magdulot ng food poisoning.

Wala din daw basehan sa medisina o agham ang pagkain ng tuko upang magamot ang mga karamdaman tulad ng AIDS at hika (asthma).

Pinabulaanan din ng isang espesyalista sa human immunodeficiency virus (HIV) at sexually- transmitted diseases (STDs) ang ukol dito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s