Isang Filipino-Norwegian conglomerate ay magi-explore at magmimina ng Deuterium gas deposits sa Surigao

nonoc

Isang Filipino-Norwegian conglomerate na bumuo ng isang exploration at kumpanya ng pagmimina, Siargao Island Mining Development Corporation ay nagpahiwatig na ng pagnanais na ma-explore at mamina ang malalaking Deuterium gas deposits sa Siargao Island na magba-base sa baybaying bayan ng Pilar.

Ang conglomerate ay nag-apply ng 1,500 kilometrong lapad, haba at lalim na area concession mula sa Pilar, Surigao del Norte sa Isla ng Siargao sa gayon, ang exploration ay aabot ng mainland Surigao”, sabi ni Matugas na Chairman ng House Committee on Environment, sa mga peryodistang dumalo sa press conference.

Sa isang press conference na ginanap sa Provincial Capito dito. First District Surigao del Norte Representative Francisco Matugas at gobernador ng Surigao del Norte, Si Matugas ay nagsabing ang conglomerate ay nag-apply na para sa land survey, exploration permit sa Bureau of Mines and Geo-Sciences.

“Sa pagsuri pa lang ng lupain, mga preparasyon at explorations, umaasa tayong daan-daang Surigaonans ang mabibigyan ng trabaho ng conglomerate”, sabi ng Surigao del Norte solon.

Sabi ni Matugas na noon ay nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan niya, ng gobernador at mga opisyal ng conglomerate at ng Philippine government’s Bureau of Mines.

Ang Deuterium gas na kilala rin bilang “heavy hydrogen” ay mas mabigat at matatag na isotope ng ordinaryong hydrogen ay kilala sa mundo bilang “fuel of the future”.

Ito ay walang kulay, walang amoy, non-toxic, diatomic, flammable gas. Ang Deuterium gas ay ginagamit sa nuclear power, fusion power, deuterated optical fiers, deuterated lubricants, lasers, mga bumbilya, R&D laboratories at aneeling semiconductor rim.

Ang Pilipinas ay natukoy na may pinakamataas na Deuterium deposits sa buong mundo sa lugar na kilala bilang Mindanao trench, ang bahagi ng Pacific Ocean malapit sa baybayin ng isla ng Siargao.

Ang Deuterium na kilala rin sa tawag na “White Gold of the Philippines” ay marami sa lugar na kilala sa buong mundo na The Philippine Deep na matatagpuan sa Surigao.

Ito ang pagsasalarawan ni Doktor Anthony B. Halog , ang Pilipinong siyentipiko na nagtatrabaho sa Sustainable Technology Office sa the Institute for Chemical Process and Environmental Technology at sa National Research Council ng Canada sa kayamanang deuterium ng Pilipinas.

“Isang malaking deposito ng 868 milyang haba, 53 milya sa pinakamalapad na bahagi at 3 milya sa pinakamalalim na punto, pinapalitan ng kalikasan 24 na oras sa isang oras pagkatapos na ang deuterium ay maglakbay ng higit pa sa 12,000 kilometro mula sa Central Amerika hanggang Pilipinas sa pamamagitan ng Pacific Ocean kapag ang planetang Earth ay umikot sa axis nito mula kanluran patungong Silangan sa isang walang katapusang perpetwal na mosyon.

Sabi ni Dr. Halog na sa ganitong existence may pang-ekonomiyang potensyal ito na 12 milyong bariless isang araw na may presyohang 7 dolyar kada bariles, ito’y 84 milyon kada araw o 30.66 bilyon sa isang taon, sapat na upang mabayaran ang anumang utang ng Pilipinas sa mga dayuhan sa loob ng isang taon, revenue wise in foreign exchange.

Sabi ni Dr. Halog na kapag ang Deuterium exploration at extraction ay naging matagumpay, inaasahan na ang gawaing pampubliko, mga pribadong constructions, ang ekonomiya at financial booms ay mangyayari sa Pilipinas katulad rin ng nangyari sa Middle east at sa mga financial centers sa mundo noong 1974 hanggang 1984, na ang lahat ay kumikita ng sapat habang ang presyuhan ng mga produkto sa merkado ay tama lamang at kayang bilhin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s