“Deuterium sa Pilipinas: Ang Sagot sa Kahirapan!”

tumblr_m9t8f5h3uV1rs7e7y

Mahigit dalawampung taon na ang nakararaan, isang Doktora Nona Calo mula sa lungsod ng Butuan sa Mindanao ay nagpalagay na merong napakalaking deposito ng “deuterium” na matatagpuan sa dagat ng Pilipinas, sa may karagatan ng Surigao. Unang natuklasan ito at pinag-aralan noong 1932 ng isang Amerikanong Chemist na si Harold Urey, ang deuterium o “heavy water” ay magkasanib na dalawang isotopes ng hydrogen at oxygen atom na may chemical formula ng D20 o H30. Kapag mas marami ang hydrogen molecules kaysa ordinaryong tubig, ito’y mas mabigat kaysa tubig at maging sa tubig alat kaya ito ay natural na bumababa sa kailaliman ng dagat.

Ayon kay Anthony B. Halog (PhD, MBA), na nagtatrabaho sa Sustainable Technology Office ng Institute for Chemical Process and Environmental Technology, National Research Council sa Ottawa, Canada, “Ang Philippine trench, ang pinakamalaki sa buong mundo ay may 868 milya ang haba, 52 milya ang luwag sa pinakamalapad na bahagi at 2 milya ang lalim sa pinakamalalim na bahagi kung saan ito ay 10.057 kilometro below sea level. Ang Deuterium ay makukuha mula sa lalim na ito na mahigit 7 kilometro below sea level sa ilalim ng 10,000 psi of ocean pressure, na pinapalitan ng kalikasan sa loob ng 24 oras sa isang araw mula sa Central America patawid sa malawak na Pacific Ocean. Ang kamangha-manghang bagay tungkol sa deuterium ay ito; na kung nasa room temperature o normal atmospheric pressure, ang deuterium atoms ay nae-electrolyzed na natural mula sa tubig na naglalabas ng hydrogen gas. Ang natural na napakapambihirang prosesong ito ay hindi nangangailangan ng magastos na electric power consuming electrolysis para artipisyal na maihiwalay ang hydrogen mula sa oxygen sa ordinaryong tubig . Sa kasalukuyan, ang deuterium ay ginagamit sa produksyon ng hydrogen (Li-Hy) fuel na ginagamit na ngayon sa Canada, Amerika, Alemanya at sa iba pang mga parte ng Sweden upang magbigay ng fuel para sa mga kotse, trak, jet planes, kasama na ang solid hydrogen para sa mga spacecrafts Challenger at Columbia”.

Bagama’t ang pagmimina ng deuterium ay hindi pa nagagawa, kahit ng mga highy developed first world countries at ang posibleng halaga nito ay lubhang nakakalula, ang pagsasaliksik sa oportunidad na ito ay worth it pa rin na paglaanan. Ang programang ito ay maaaring maglunsad sa Pilipinas bilang pinakamalaking hydrogen fuel (Li-Hy) producer sa mundo, at maging tanging fuel producer sa loob ng 40 hanggang 50 taon mula ngayon sa isang ekonomiyang mundong naubusan na ng langis. Gamit ang expertise ng Philippine National Oil Corporation (PNOC) sa pamamagitan ng isa nitong departamento na nakatuon sa indigenous at non-traditional sources, ang gobyerno ay maaaring magproyekto ng deuterium research program at hydrogen (Li-Hy) production project ng may kaluwagan kung project organization at administration ang pag-uusapan.

Hindi porke’t hindi pa ito nagagawa dati, hindi ibig sabihin na hindi na ito makakayang gawin. Ang pagmimina ng Deuterium ay tulad lang ng praktikal na pag-pump ng tubig mula sa ilalim ng dagat. Ang pangkasalukuyang teknolohiya sa offshore na produksyon ng langis ay hanggang sa lalim na 6.4 kilometro lamang mula sa sea level, at kailangan pa nilang humukay sa ilalim ng dagat para marating ang langis, daan-daang metro below sea floor. Ang Deuterium na elementong pakay, ay nasa lokasyon sa pagitan ng 7 hanggang 10 kilometro mula sa ibabaw ng dagat at hindi na nangangailangan ng karagdagan pang paghuhukay. At dahil ang deuterium ay natural na nage-electrolyze kapag ang 10,000 psi ocean pressure ay dahan-dahang inalis sa pamamagitan ng pumping process at pinalitan ng lower atmospheric pressure, ang dalawang upper pipes ay kokolekta ng hiniwalay na by-products ng deuterium na purong tubig at gas na hydrogen. Ang pipeline nito mismo ay magsisilbing refinery ng deuterium para makagawa ng hydrogen. Ang pagmimina ng langis ay maaaring mas matrabaho, mas mahal at mas mapanganib kumpara sa pagmimina ng deuterium, at ang pagpupuro ng langis ay mas mahal kaysa sa prosesong sangkot sa deuterium at LiHy production. Kung sa expertise ang pag-uusapan, napatunayan na ng mga Pilipinong inhinyero at mga technicians sa PNOC ang kanilang kahusayan at nag-export pa ng kanilang kakayanan sa Japan sa paggawa ng geothermal plants, kung saan ang instalasyon nito ay may kumplikado at mapanganib kung ikukumpara.

Ang tidal conditions sa kahabaan ng Philippine Trench ay kailangang isama sa pagsasaliksik at pag-aaral buong isang taon. Ang Petroleum production sa North Sea, na matatagpuan sa pagitan ng Isla ng Britanya at Norway, ay patuloy lang ng walang hinto sa kabila ng perennial disturbances sa tubig at marahas na climactic condition sa lugar mula sa mayelong lamig at ordinaryong malamig na temperatura. Ang Pacific climate at condition ay katamtaman kung may pagkukumpara. Ang bilang ng mga oil rigs sa North Sea ay mga 170 hanggang sa 200 milya mula sa pinakamalapit na daungan, kumpara sa posibleng site sa Philippine trench na 100 milya lamang mula sa Lungsod ng Surigao at 120 miya mula sa Lungsod ng Tacloban. Kung ang mga trabahador sa North Sea oil rigs ay kailangang magtrabaho ng tig-kalahating oras ng trabaho (dalawang linggong trabaho; dalwang linggong pahinga) sa buong taon dahil sa extreme at mapanganib na kundisyon ng pagtra-trabaho sa lugar, ang pagta-trabaho sa deuterium rigs sa Pacific ay parang nagbabakasyon lang sa isang isla ng Hawaii.

Ang mga Oil rig platform manufacturers sa Singapore ay maaaring magbuo ng mga espesyal na disenyong platforms sa halagang $100-150 milyong dolyar o humigit-kumulang ay P5-7.5 bilyong piso. Sa total cost na P10 bilyong piso para sa research at paggawa ng single floating deuterium rig na may average na kapasidad na produksyon na 50,000 barrels isang araw, ang gobyerno ay makaasa ng konserbatibong arawang kita na 4 milyong dolyar o 1.28 milyong dolyar kada taon o 54 bilyong piso annually. Kung ang gobyerno ay ay gagawa ng isang deuterium rig taon-taon, kumikita ng 1.28 milyong dolya, ang utang sa World Bank ay mababayaran sa loob ng hindi hihigit sa 15 taon. Ang budget para rito ay kaya naman ng gobyerno natin. Kung kinaya ng gobyerno ang 40 bilyong piso ng Pangulo na pork barrel noong 2006 para sa iba’t-ibang programa para maiangat ang kalagayan ng mga mahihirap, kaya ng gobyerno natin na magtayo ng isang deuterium rig taon-taon na may isang daang balik na kita.

Ayon sa estimates, meron lamang 1,000 bilyong barrels ng reserve petroleum na natitira sa mundo ngayon. Dahil sa gumagamit ng 28.6 bilyong bariles ng langis kada taon, lahat ng mga nakareserbang langis ay maauubos 35 taon mula ngayon. Ang mga pangangailangang enerhiya ng mundo sa gayon ay malilipat sa natural gas na mayroon tayong 3,457 trilyong cubic feet na reserba. Pero ang partikular na source na ito ay maaari ring maubos. Ang Hydrogen na may masagana at unlimited source sa deuterium ang siyang magiging reserbang enerhiya sa hinaharap. Kung magagamit lamang ng Pilipinas ang energy source na ito, maaari tayong magkaroon ng mas magandang kinabukasan at ekonomiya higit sa lahat sa mundo, kasama na ang United States of America. Kung tayo, bilang isang nasyon, ay maabot ang puntong ito sa ksaysayan, ang Pilipinas kung gayon ay maaaring isalarawan bilang ang alamat na lupang pangako….lupang inaapawan ng gatas at pulot pukyutan.

Ang Estados Unidos ay minsang nangarap na magpadala ng tao sa buwan. Ngayon ito’y bahagi na ng kasaysayan. Ang ginawa niya para masundan ang pangarap na iyon ang nagbigay sa kanya ng katanyagan bilang pinaka-technologically advanced at economically prosperous nation. Maaari itong mangyari sa Pilipinas.

2 thoughts on ““Deuterium sa Pilipinas: Ang Sagot sa Kahirapan!”

Leave a reply to Peter Fisher Cancel reply